Narito ang mga maiinit na balita sa 24 Oras Express ngayong Miyerkoles, August 17, 2022:
- PBBM: Mananatili sa state of public health emergency ang bansa hanggang sa katapusan ng taon
- Presyo ng ticket sa eroplano, matatapyasan sa September 1 dahil sa pagbaba ng fuel surcharge
- Nawawalang menor de edad, natagpuang patay sa 40ft lalim ng hukay sa center island ng EDSA
- Ilang magulang, humahabol sa pagpapa-enroll ng kanilang mga anak bago ang pasukan sa Lunes; Apela ng DepEd, 'wag nang hintayin ang deadline
- VP at Education Sec. Sara Duterte, siniguro na handa ang DepEd sa pagbubukas ng klase sa Lunes
- Ilang nakahambalang na sasakyan sa kahabaan ng U-Belt sa Maynila, pinagsisita at tiniketan ng MMDA; Overloading na mga sasakyan, babantayan sa pasukan
- 133 ruta ng mga jeep, bus at UV express, muling bubuksan kasabay ng pagbabalik-ewskwela sa Lunes
- Magat dam sa Isabela, nagpakawala ng tubig ngayong araw; PAGASA, nagbabala ng posibleng pagbaha sa ilang munisipalidad
- Supply ng ilang size ng softdrinks sa tindahan at supermarket, nagkukulang
- Dating OFW, nagtapos na Summa cum Laude
- Asia's fastest woman Lydia De Vega, inihatid na sa kanyang huling hantungan
- Mahigit 15,000 OFW, apektado ng deployment ban sa Saudi Arabia; ilang employer doon, nakahanap na raw ng kapalit
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of 24 Oras.
24 Oras is GMA Network's flagship newscast, anchored by GMA News pillars Mike Enriquez, Mel Tiangco, and Vicky Morales, featuring top news stories from the Philippines and the hottest showbiz news on Chika Minute hosted by Iya Villania. Visit GMA News Online (http://www.gmanews.tv/24Oras) for more.