Naging higit na malinaw ang kahalagahan ng mga basurero bilang “essential workers,” lalo na para sa mga residente ng ilang bayan kung saan nagkalat ngayon ang basura sa kalye.
Tumigil sa pangongolekta at paglilinis ang mga manggagawa sa gitna ng “bin strike” sa Edinburgh, Aberdeen at Glasgow sa Scotland, bilang protesta sa pagtanggi ng gobyerno na taasan ng 5% ang kanilang sahod.
Kasabay nito ang Fringe Festival na dinaragsa ng milyun-milyong turista tuwing Agosto, kaya’t patuloy na umaapaw ang mga basurahan. Tunghayan sa video.