Nangibabaw na naman ang galing ng mga Pinoy matapos maiuwi ang overall champion para sa larong chess sa Eastern Asia Youth Championship na ginanap sa Thailand.
Ang isa sa ating mga pambato na edad 9 na taong gulang, kikilalanin na bilang candidate master sa larong chess. Limang taong gulang pa lang daw si Bince Rafael Operiano nang turuan siya mag-chess ng kanyang amang security guard. Kilalanin siya sa video na ito!