Umabot na sa halos 700,000 tao ang apektado ng pag-ulan at pagbaha sa buong bansa dahil sa tinatawag na shear line na nagsimula pa noong Kapaskuhan. Kaya kahit nakalabas na ang low pressure area sa bansa, nananatiling maulan dito dahil sa shear line at hanging Amihan.
Isa sa labis na naapektuhang lugar ang Brooke’s Point sa Palawan kung saan lampas tao na ang tubig sa ilang bayan at lubog din sa baha ang ilang bahay at establisyimento.
Ayon sa NDRRMC, nasa 52 na ang nasawi habang 18 naman ang naitalang nawawala.
Ano nga ba ang shear line? Panoorin ang video.