Hindi na ikinagulat ng marami sa AFP o kahit mismo ni Lt. Gen. Bartolome Bacarro ang desisyon ng MalacaƱang na magtalaga ng bagong hepe ng Sandatahang Lakas. Sa katunayan, ilang linggo o buwan nang maugong ang usap-usapan sa loob ng AFP kaugnay ng napipintong pagsibak kay Bacarro.
Ang hindi malinaw noon ay kung sino ang papalit sa kanya. Dito medyo na-sorpresa ang marami sa pagbabalik sa pwesto ng dati nang nasibak na AFP chief.
Ang ulat mula kay senior correspondent David Santos.