Bakit nga ba itim ang Nazareno?
Taliwas sa paniniwala ng ilan sa mga deboto, likas na itim ang kulay ng imahe ng Nazareno at hindi ito dahil sa epekto ng sunog.
Alam n’yo rin ba na matagal na raw may prusisyon sa Quiapo pero taong 2007 lang ito tinawag na Traslacion? Magulo man at siksikan, may sistema rin daw ang prusisyon na tila sumasabay sa isang indayog.
Pero sa kabila ng matinding debosyon ng maraming Pinoy sa itim na Nazareno, naging mainit na usapin ang pagsamba dito at kabi-kabilang batikos laban sa mga deboto ang ibinabato.
Ang iba pang impormasyon sa itim na Nazareno, panoorin sa video.