HANGIN SA METRO MANILA, NAKITAAN NG MICROPLASTICS
Natuklasan sa isang pag-aaral na may nakahalong microplastics sa hangin na ating nilalanghap sa Metro Manila. Ang microplastic ay mga piraso ng plastic na nagmumula sa mga nadurog at nasirang malalaking produktong gawa sa plastic. Kabilang dito ang araw-araw nating mga gamit, kabilang din ang ating mga damit.
Bukod pa sa ilang kaakibat na peligro, delikado rin daw ito kung malanghap ng tao dahil hindi kayang taglayin ng ating baga ang microplastics. Gaano nga bakapanganib ang microplastics sa kalikasan at sa mga tao? Here's what you #NeedToKnow.