Ano ang Super El Niño at ano ang posibleng epekto nito? | Need To Know

GMA Integrated News 2023-05-02

Views 896

ANG INIT!

Itinaas na ng PAGASA ang El Niño Alert dahil sa mataas na posibilidad ng El Niño sa bansa. Nagpaalala rin ang ahensya na magtipid sa paggamit ng tubig dahil posibleng sa mga susunod na buwan na umano maranasan ang simula ng El Niño sa bansa.

Ang El Niño phenomenon ay ang hindi pangkaraniwang pag-init ng panahon dala ng lubhang pag-init ng karagatang pasipiko. Pinapataas ng El Niño ang posibilidad ng mas mababa sa normal na kondisyon ng pag-ulan, na maaaring magkaroon ng negatibong epekto tulad ng dry spells and drought sa ilang lugar sa bansa. Gayunpaman, sa kanlurang bahagi ng bansa, maaaring asahan din ang higit sa normal na kondisyon ng pag-ulan sa panahon ng Southwest Monsoon season (Habagat).

Ano nga ba ang #ElNino at ano ang posibleng epekto nito? Here's what you #NeedToKnow

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS