Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong Lunes, May 22, 2023
- Manila Central Post Office, nasususunog pa rin; mga sulat at parcel, pinangangambahang madamay
- Kulay-putik na tubig, inirereklamo ng mga resident; paghuhukay para sa isang power plant, tinitingnang dahilan kung bakit nagkukulay-putik ang tubig; kompanyang namumuno sa power plant, sinabing tutugnan ang problema ukol sa nagkulay-putik na tubig
- VP Sara Duterte, tila may pasaring sa social media kasunod ng paregsign niya sa Lakas-CMD; Ako Bicol Rep. Bangalon: may malalim na isyu sa pag-resign ni VP Duterte sa Lakas-CMD at sa umano’y kudeta sa kamara; ilang partido, nagpahayag ng suporta kay House Speaker Martin Romualdez; Speaker Romualdez: dapat putulin agad ang destabilisasyon sa kamara
- Finance Sec. Diokno: tataas ang inflation rate kung ipatutupad ang panukalang P150 na taas-sahod sa pribadong sektor
- First fan meet ni Wi Ha Jun sa bansa, dinagsa ng Pinoy fans
- Ruta sa Ilang kalsada sa Mandaluyong, magbabago simula ngayong araw para sa aayusing tubo at kalsada
- Sunog sa Manila Central Post Office, patuloy pa ring inaapula
- "Self-regenerating" pension plan para sa mga taga-AFP a PNP, isinusulong ni PBBM; PBBM, pinangunahan ang pagtatapos ng PMA Madasigon Class of 2023 sa Baguio City
- Team Barda, biyaheng Korea para sa shoot ng kanilang pelikula na "That - Kind Of Love"
- Cast members, Executives, at ilang Sparkle Stars, full support sa celebrity watch party ng "Unbreak My Heart" series
- 815 apektadong OFW, tutulungan ng DMW habang hindi pa makakapagtrabaho sa Kuwait
- Santacruzan, inorganisa ng Filipino Community sa Bucheon, South Korea
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.