"Hindi naman po nagkukulang ang MWSS RO sa pag-remind at pag-push sa Maynilad na umaksyon. Kaya nga po nagkaroon po tayo ng rate rebasing at hindi po natin sila pinayagang magkaroon ng tariff adjustment except for inflation nitong January. Puwede po silang mag-adjust itong January 1, 2024 only if naayos nila ang kanilang serbisyo. Pangalawa ay hindi lang po kami limited sa rates, mayroon na po kami ngayong authority to impose financial penalties. Kailangan po nilang mag-level up."
Anu-ano nga ba ang pananagutan ng MWSS at mga water concessionaire kung patuloy ang mga water interruption at problema sa supply ng tubig? Panoorin ang buong panayam ni MWSS RO Chief Regulator Patrick Lester Ty sa The Mangahas Interviews.