"Iba 'yung dati, giyera…Nagtatagu-tago kami! 'Yung mga magulang namin, nakikipagbakbakan."
Siyam na taon matapos pirmahan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front o MILF ang comprehensive agreement on Bangsamoro, naging daan ito para tuldukan ang ilang dekadang hidwaan sa pagitan ng gobyerno at Bangsamoro sa Mindanao.
Sa pambihirang pagkakataon, narating ng Stand For Truth ang isa sa pinakamalaking kampo ng MILF sa Mindanao—ang Camp Bilal sa Lanao del Norte.
Ang kalagayan at mga pagbabago sa mga komunidad roon sa ilalim ng peace agreement, panoorin sa video.