JULY 28, 2023, IDINEKLARA BILANG "INTERNATIONAL PLASTIC OVERSHOOT DAY"
Hindi na umano kaya ng kapasidad ng mundo na pamahalaan ang dami ng mga basurang plastic ngayong taon dahil sa sobra-sobrang produksyon ng plastic. Batay ito sa pag-aaral ng Swiss-based research consultancy na Earth Action.
Kabilang naman ang Pilipinas sa itinuturing na "waste sponges" o mga bansa na may mababang pagkonsumo ng plastic pero mataas ang antas ng plastic pollution dahil sa pag-iimport. Paano nga ba tayo makakatulong para mabawasan ang mga plastic waste sa mundo? Here's what you #NeedToKnow.