Pumatay kay OFW Jullebee Ranara hinatulan ng 15 taong pagkakakulong sa Kuwait | Balitaan

CNN Philippines 2023-09-15

Views 7

Hinatulan ng labinlimang taong pagkakakulong ang pumatay sa overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara. Ayon sa Foreign Affairs department, sinentensiyahan ng isang juvenile court ang 17-anyos na si Turki Ayed Al-Azmi, anak ng amo ni Ranara sa Kuwait, dahil sa murder. May dagdag pang isang taong pagkakakulong si Al-Azmi dahil sa pagmamaneho ng walang lisensiya.

Paliwanag ng DFA, mas mababa ang ipinataw na parusa dahil isa siyang menor de edad. May tatlumpung araw para maghain ng apela si Al-Azmi.

Natagpuan ang sunog at nagkalasog-lasog na katawan ni Ranara sa isang disyerto noong Enero. Napaulat na ginahasa ang OFW at base sa autopsy, buntis si Ranara nang siya'y pinaslang.

Mas mabigat na parusa, 'yan ang hiling ng pamilya ni Jullebee Ranara.

Kaugnay pa rin ng balitang 'yan, makakausap natin si Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega.

Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/

Follow our social media pages:

• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines

Share This Video


Download

  
Report form