Naghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China matapos ang insidente ng pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa barkong may dala ng supply para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa patuloy na harassment ng China sa West Philippine Sea, dapat daw palakasin ng pamahalaan ang alyansa ng Pilipinas sa ibang bansa. Ayon din sa National Security Council, patuloy raw nilang paiigtingin ang pagbabantay sa WPS at pagsulong sa karapatan ng mga mangingisda sa lugar.
Ang kasalukuyang sitwasyon sa WPS at ang plano ng pamahalaan sa sunud-sunod na pangha-harass ng Chinese Coast Guard, sasagutin ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa #TheMangahasInterviews.