Unang Balita sa Unang Hirit: FEBRUARY 2, 2024 [HD]

GMA Integrated News 2024-02-02

Views 499

Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong FRIDAY, FEBRUARY 2, 2024
• Truck, sumabit at nahatak ang mga kawad ng kuryente at Telco; nagdulot ng brownout | Mga residente: Ikatlong beses nang may sumabit na truck sa mga kawad mula noong December 2023 | Driver ng truck na nakahatak sa mga kawad, tumangging magbigay ng pahayag
• Ilang tulay at kalsada, nawasak dahil sa baha at landslide | Motorcycle rider, nahulog sa creek | Kabi-kabilang pagguho ng lupa at baha, naranasan sa ilang bahagi ng Davao Oriental | Ilang kalsada, hindi madaanan dahil sa baha at landslide
• 3, patay matapos matabunan ng gumuhong lupa | CDRRMO: Mahigit 8,000, inilikas mula sa 15 barangay sa lungsod | Baha, umabot hanggang sa leeg | Ilang residente, gumamit ng salbabida bilang floating device
• Supply ng tubig, problema sa ilang probinsiya dahil sa epekto ng El Niño | Ilang sakahan sa Bohol, nagkabitak-bitak na | Water level sa Angat Dam reservoir, bumaba | Department of Agriculture: pinsalang dulot ng tagtuyot sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula, abot na sa mahigit P109 million | DENR at NIA, may mga hakbang para maibsan ang epekto ng El Niño
• Ilang muslim advocates, walang nakikitang dahilan para ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas
• AFP, planong bumili ng mga submarine bilang pandepensa sa West Philippine Sea
• Mahigit isang toneladang mackerel tuna, nahuli ng isang mangingisda
• DSWD: Mahigit 793,000 beneficiaries, ni-reactivate sa Pantawid Pamilyang Pilipinong Program o 4Ps
• Girls' Generation member Yoona, magbabalik-Pilipinas para sa kaniyang fan meet
• 3 patay, 5 sugatan sa sumabog na pagawaan ng paputok | Sanhi ng pagsabog, patuloy na inaalam ng mga awtoridad
• Kampanya laban sa mga scam hub at ilegal na POGO, mas paiigtingin pa ng pamahalaan
• Hindi bababa sa 5 bahay, nasunog
• Listahan ng mga naka-jackpot sa Lotto mula July 2023 hanggang January 30, 2024, isinumite ng PCSO sa Senado | Posibilidad na mamanipula ang computer system ng PCSO, muling inungkat sa Senado
• Mga pananim na gulay sa Atok, Benguet, muling nabalot ng andap o frost | PAGASA: Benguet at Baguio City, patuloy na makararanas ng malamig na temperatura ngayong Pebrero | Pagdagsa ng mga turista sa panagbenga festival, pinaghahandaan
• LTO: Balik-papel ang mga driver's license simula ngayong Pebrero | LTO, umapela na sa Court of Appeals na tanggalin ang injunction sa kontrata para sa 5.2 milyong plastic cards | 4 na milyong donasyong plastic cards, hindi tinanggap ng LTO habang wala pang guidelines ang DOTr
• Quiapo Church, maagang dinagsa ng mga deboto ngayong unang Biyernes ng Pebrero | CBCP: Quiapo Church, isa na ngayong national shrine

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http:

Share This Video


Download

  
Report form