Sa isang kalye sa Pasay City, isang kainan ang pinipilahan dahil sa abot-kayang presyo ng kanilang pares. Pero ang sikat na kainan, makailang beses ding sumailalim sa clearing operation ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at nakatanggap ng puna mula sa ilang netizen tungkol sa kalinisan ng mga pagkain sa kanilang pwesto. Ano nga ba ang hakbang na ginagawa ng pamahalaan para masiguradong malinis ang mga pagkaing itinitinda sa kalye? Sundan ang buong ulat sa video.