Dahil sa nararanasang El Niño ngayon na inaasahang magtatagal pa hanggang Mayo, ilang paaralan na ang nagkansela ng mga klase para makaiwas sa sakit na dala ng matinding init.
Bukod sa heat-related illnesses, binabantayan din ngayon ng Department of Health (DOH) ang paglobo ng mga kaso ng pertussis o whooping cough dahilan para magdeklara ng pertussis outbreak ang ilang mga LGU.
Ang paalala ng DOH sa publiko para maiwasan ang mga sakit na ito, alamin sa panayam kay DOH Secretary Teodoro Herbosa sa #TheMangahasInterviews.