Mga estudyante pa lang, aakalain mong mga professional broadcaster ang mga nag-uulat dahil sila mismo ang nagsulat at nag-shoot ng balita!
Ang taunang tagisan ng mga student journalist sa National Schools Press Conference, ginanap sa Carcar, Cebu ngayong taon.
May iba’t ibang kategorya silang paglalabanan mula sa pagsusulat ng balita, pagkuha ng larawang pampahayagan, pagguhit ng editorial cartoon hanggang sa Live TV at Radio Broadcasting competition!
Ang tanong, kaninong boses kaya ang mananaig? Panoorin ang video.