“Effective today, all POGOs are banned.”
Ito ang naging pahayag ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa katatapos lang niya na State of the Nation Address (SONA) noong July 22 kung saan tuluyan na niyang ipinagbawal ang pag-operate ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.
Ayon naman sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) , tinatayang nasa 40,000 Pinoy na nagtatrabaho sa 43 na mga legal na POGO ang maaapektuhan sa kautusang ito ng pangulo.
Ang plano ng PAGCOR sa pagpapatupad ng total POGO ban at sa mga manggagawang Pilipino na mawawalan ng trabaho, alamin kay PAGCOR chairperson and CEO Alejandro Tengco sa #TheMangahasInterviews.