"Nakakapikon ka na, nakakagigil ka na!"
‘Yan ang sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada kay Alice Guo matapos ang paulit-ulit na pagsabi ni Guo na siya ay natatakot para sa kaniyang seguridad. Patuloy siyang tumatanggi sa pagsagot sa iba pang katanungan tungkol sa pagtakas niya mula sa Pilipinas.