Magarang bahay sa Rizal, paulit-ulit na ibinebenta dahil ang mga tumitira dito, ginagambala raw ng mga nananakit na espiritu?!
Samantala, tambakan ng mga sasakyang nabangga at nasangkot sa trahedya, naging pugad na rin daw ng mga ligaw at hindi matahimik na kaluluwa?! Ang mga lumang gamit naman sa isang antique shop, pinamamahayan umano ng presensya ng mga yumao nitong may-ari?!
At pamilya sa Pampanga, nagkawatak-watak dahil umano sa demonyo sa kanilang tahanan?! Ang pinaniniwalaan nilang demonyo, nakunan pa ng litrato!