Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 8, 2024
- Driver ng SUV, sumakit daw ang tiyan kaya siya pumasok sa EDSA busway noong Linggo ng gabi | LTO: Driver, pinatawan ng P9,000 multa; iniimbestigahan kung may dagdag pang pananagutan | Puting luxury vehicle, napag-alamang pagmamay-ari ng Orient Pacific Corporation | Sen. Gatchalian, tumangging sumagot kung pagmamay-ari ng kaniyang kapatid ang sasakyang may plakang number 7 | Senado, magpapatawag ng pagdinig ukol sa isyu; DOTr, pinag-aaralan ang pagbabago sa protocols sa EDSA busway
- (w/ interview) Direksyon ng EDSA busway, pinag-aaralang gawing pabaligtad o opposite ng direksyon ng iba pang sasakyan
- Malakas na ulan at hangin, naranasan sa ilang lugar sa Cagayan dahil sa Bagyong Marce | Ilang bahay at establisyimento, napinsala ng bagyo; libo-libong residente, inilikas | Ilang lugar sa Cagayan, nawalan ng supply ng kuryente dahil sa Bagyong Marce; ilang tulay, hindi madaanan dahil umapaw ang ilog
- Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng asupre; nagkaroon din ng volcanic quakes
- PBBM, hindi dadalo sa APEC Summit sa Lima, Peru | Acting DTI Sec. Aldeguer-Roque, itinalagang special envoy sa APEC Economic Leaders' Week
- 1,627 pekeng birth certificates ng mga foreign national, pinakakansela ng Philippine Statistics Authority | Birth certificate ni Alice Guo, kabilang sa mga pinakakansela sa SolGen | Pamemeke ng mga National I.D., pinaiimbestigahan sa NBI | Budget ng PSA na kasama sa mahigit P13 bilyong panukalang budget ng NEDA, aprubado na ng Senado
- Presyo ng karne sa ilang palengke, tumataas ang presyo habang papalapit ang Pasko
- Ilang mamimili at nagtitinda, nangangambang tataas na naman ang presyo ng isda dahil sa Bagyong Marce
- Best friends na sina Michelle Dee at Rhian Ramos, gaganap na magkarelasyon sa upcoming episode ng "Magpakailanman"
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.