Aired (November 11, 2024): Ang 64-anyos na si Evangeline, ina ng isang biktima ng 'War on Drugs' at miyembro ng grupong ‘Silingan Candlemakers’. Para makabangon mula sa sakit ng pagkawala ng kanyang anak, nagsimula siyang gumawa ng mga kandila. Para sa kanya, ang bawat kandila ay sumisimbolo sa kanyang pag-asang makamit ang hustisya para sa kanyang anak. Ang kanyang kuwento, panoorin sa video.