Hiniling ni Rep. Drixie Cardema sa pagdinig ng House Quad Committee na magkaroon ng patas na proseso at isama ang mga biktima ng mga durugista sa pagdinig.
Nagbigay din ng pahayag si Cardema tungkol sa mga kongresistang umano'y ikinabit niya sa grupong NPA.
Bilang tugon, sinabi ni Rep. Romeo Acop, “Kung gusto niya magpa-imbestiga, mag-file siya ng resolution… I beg to disagree na sila lang ang nakikipag-laban at marunong makipaglaban sa kalaban.”
Dagdag pa ni Rep. Robert Ace Barbers, “Mag-attend kayo ng hearing, hindi yung a-attend kayo kapag nandito lang ang dating pangulo at ating bise presidente… this Quad Comm makes announcements of all its hearings.”