Aired (January 25, 2025): Sa isang komunidad, may mga katutubong handang matuto at magbahagi ng kaalaman, anuman ang kanilang edad. Para sa kanila, ang matutong magbasa at magsulat ay isang kapangyarihan—isang lakas na nagbibigay tapang upang harapin ang hamon ng modernong panahon.
Ngunit sa kabila ng kanilang kagustuhang matuto, nahirapan silang magbasa dahil sa paglabo ng kanilang mata. Kaya ang mga mag-aaral, isang salamin na nagkakahalaga ng ₱50 ang kanilang pinaghahatian para makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral.
#iBenteSingko