Aired (November 29, 2025): Mahigit isang buwan na ang nakalilipas nang sumiklab ang pinakamalaki at pinakamapaminsalang sunog sa Sitio 6 ng Brgy. Catmon, Malabon City. Ayon sa BFP, pang-13 na ito sa lugar at hindi pa kasama ang mga maliliit na sunog na hindi na nai-report.
Sa kabila ng paulit-ulit na trahedya, bakit may mga residenteng pinipili pa ring bumalik at magtayo ng bahay sa Sitio 6?