“Ako ang gabay sa gitna ng dilim. Ang tanod ng karagatan.Nagpakatatag ako para mayroon kayong masilungan. Tumindig ako para mayroon kayong kanlungan.
Tiniis ko ang lindol, giyera at sakuna. Pero ang kalaban ko'y kayo rin pala. Sana pahalagahan niyo rin ako tulad ng pagpapahalaga ko sa inyo.
Ako ang inyong ilaw at gabay sa dilim. Sana ako'y tulungan n'yo rin. Ako ang saksi sa nakaraan. At ayoko pang magpaalam.” – Kara David
Panoorin ang ‘Paalam, Parola,’ dokumentaryo ni Kara David sa #IWitness.