simbuyo ng damdamin
nilikha ang PAG-IBIG na lumalim
humabi ng mga kataga
ng wagas na pangarap ng pagsinta....
ngiti ay sumilay
abot tanaw...
pisngi sa langit, nahimlay....
bughaw.
ipininta, inukit
pag-asa na matupad
hiling ng imbing pangarap
tinanaw, dinama...
oh, ano't kay rikit
nakakabighani...kaakit-akit!
ulan...umaraw...
taglamig, taglagas
di natinag
ang pag-ibig na inaring wagas...
hinipan ng hangin
taglagas ay dumating
hanggang nagdilim
ulap ay naghari
nagbadya ng pag-iyak
dumagundong ang palahaw na iyak.
nasaan ang katuparan,
hanggang kailan?
paghihintay na kaytagal,
ang LUNA man ay inip na
sa tagpo na nais makita.
Hinto na.
Kapwa'y pagod na.
Masakit ang umasa
sa hangaring pagsasanib
ng dalawang kaluluwa.
Ang pag-asa'y isinuko na.
Tapos na.
Isang masakit na paglaya...
(Isang tula sa pagtanggap ng pagkatalo at sa kahinaan ng katuparan ng wagas na pagsuyo.)
Inner Whispers
http://www.poemhunter.com/poem/isang-masakit-na-paglaya/