KFC Hoax: Victoria Wilcher, hindi tutoong pinaalis sa isang KFC dahil sa mga scar sa kanyang mukha?

TomoNews PH 2015-04-14

Views 12

Batang may mga scar sa mukha, na napaalis mula sa isang KFC -- isa palang hoax?

Maaring nakita niyo an gaming report tungkol kay Victoria Wilcher, ang 3-year-old na bata mula sa Mississippi, na brutal na naatake ng tatlong pit bull ng kanyang lolo noong April. Walang nagtatanong tungkol sa parteng ito ng kanyang kuwento.

Pero dalawang linggo ang nakalipas, nang sinabi sa media ng kanyang lola na si Kelly Mullins, na napaalis sila mula sa isang KFC dahil nakakagambala daw sa ibang mga customer ang mukha ng bata.

Anong klaseng employado ng KFC ang maaring makagawa ng ganito? ...Malamang, isang employado na inimbento lang ni Lola, para makakuha ng publicity.

Maraming nagalit sa KFC, na pinagsabihan ang fast food chain sa social media. May mga naghagis ng mga inumin at hinamon na papatayin ang mga employado ng KFC sa mga drive through.

Isa pang resulta ng insidenteng ito, ay ang 135,000 dollars na napunta sa GoFundMe page ni Victoria.

Nagbigay ng public apology ang KFC, na nag-donate din ng 30,000 dollars kay Victoria, at nangako silang magsagawa ng imbestigasyon. At ito ang kanilang naidskubre:

Ayon kay Mullins, nag-order sila ng sweet tea at mashed potatoes, pero ayon sa mga resibo mula noong May 15, walang nag-order ng ganitong kombinasyon sa araw na iyon.

Ayon sa surveillance videos mula sa dalawang KFC sa Jackson, walang customers ang nakitang kahawig ni Mullins o Victoria.

Ito ba ay isang hoax? Hindi daw, ayon sa pamilya ni Victoria, na pinaninindigan ang kanilang mga akusasyon, kahit na may ebidensiyang sumusuporta sa KFC.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form