Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra, inutusang bumaba ng Thailand Constitutional Court!
Pinatalsik na ng Thailand Constitutional Court si Prime Minister Yingluck Shinawatra mula sa kanyang posisyon, dahil siya raw ay nagsagawa ng ilegal na gawain nang ipina-transfer niya ang kanyang national security head noong 2011.
Si Yingluck ay naakusahan ng pag-demote kay National Security Chief Thawil Pliensri, na in-appoint ng administrasyon na kalaban ng Pheu Thai Party na pinangungunahan ni Shinawatra.
Si Thawil ay pinalitan ng national police chief, na siya namang pinalitan ni Priewpan Damapong, na kamag-anak ni Yingluck.
Noong Marso, hinatulan ng Thailand Supreme Administrative Court na ilegal ang pagpapa-transfer na ginawa ni Yingluck, at si Thawil ay naibalik sa kanyang dating posisyon.
Ayon sa korte, ang siyam na cabinet members, na nag-attend ng meeting kung saan pinagdesisyunan nilang i-transfer si Thawil, ay matatanggal din sa kanilang mga posisyon.
Pero sayang, at ang desisyon na ito ng korte, ay hindi pa rin matatapos ang political crisis sa Thailand. Ang ruling party ay nagtawag na ng general election, para sa July. Ano naman kaya ang kalalabasan nito?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH