Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra, hindi bababa mula sa kanyang posisyon!
Thai Prime Minister Yingluck Shinawatra, ayaw bumaba mula sa kanyang posisyon
Bagamat humaharap siya sa malakas na puwersa mula sa Democrat Party, ang Prime Minister ng Thailand na si Yingluck Shinawatra ay hindi napaatras.
Matapos ang kanilang weekly cabinet meeting sa Thai Army Club noong Martes, in-announce ni Shinawatra na siya ay hindi mag-re-resign mula sa kanyang posisyon.
Nang tanungin siya kung itina-target ng mga nagpro-protesta ang kanyang pamilya, ay naging emosyonal ang pagsagot ng Prime Miniester. Ayon sa kanya, lahat sila ay taga-Thailand, at marami na siyang nagawang kompromiso. Maging pantay sana ang mga tao sa pag-trato sa kanya.
In-announce din ni Shinawatra na mawawala na ang lower house ng Parliament, at siya ay mananatiling Prime Minister hanggang sa eleksiyon itong darating na Pebrero. Mas lalo lang nagalit ang oposisyon, na gusting pababain sa kanyang posisyon si Shinawatra. Sa ngayon, ay may pitong libong tao na nag-pro-protesta sa labas ng compound ng Prime Minister.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH