Isang Brazilian village, naapektuhan ng isang napakabihirang skin disease.
Isang grupong tao na naapektuhan ng isang genetic disease, na tinatawag na 'xenoderma pigmentosum, o XP, ay nakatira sa Araras, sa gitna ng Brazil. Ang kutis ng mga may sakit ay nasisira sa ilalim ng malakas na araw.
At dahil umaasa sila sa pagsasaka at pagta-trabaho sa labas, ang kanilang pagkakasakit ay isang mabigat na problema.
Ang mga UV rays ng araw ay kayang tumagos sa makapal na epidermis n gating kutis, at umaabot sa inner skin cells. Habang karamihan sa atin ay maaring mag-recover sa natural na paraan, matapos tayong ma-expose sa araw, ang mga taong pinanganak na may XP ay hindi kayang ayusin ang UV damage.
Sila ay lubusang sensitibo sa UV rays, at mula pagkabata ay mabilis na tinutubuan ng mga peklat at umbok. Marami sa kanila ang namamatay mula sa mga skin tumors.
Ang village ay naitayo ng iilang mga pamilya, na may mga kasamahan na nagdadala ng kasakitan na ito. Ayon sa mga researchers, ang geographic isolation ng lugar na ito ang dahilan kung bakit nag-aasawa ang mga magpi-pinsan, na dahilan ng pagkarami ng mga taong pinapanganak na may XP.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH