Limang taong gulang na batang lalake, nawalan ng halos lahat ng kanyang kutis, at muntikan nang mamatay!
Alam niyo ba kung ano ang Staphylococcal Scalded Skin Syndrome?
Ito ay isang napakabihirang bacterial infection, na umatake sa isang limang taong gulang na batang lalake sa UK sa taong ito.
Dalawang beses nan a-misdiagnose ng mga doktor si Ben Thomas – isang beses para sa tonsilities, at isang beses naman para sa severe allergy sa antibiotics. Nang nadiskubre ng isang doktor ang napakabihirang infection sa wakas, ay huli na ang lahat – at kinailangang tumagal ni Ben nang tatlong linggo sa isang intensive care burn ward, dahil nawalan na siya ng 99 percent ng kanyang kutis.
Naglalabas ang bacteria ng isang toxin, na pinapatay ang outer epidermis, na nawawala at dahil dito ay nae-expose ang laman. Dahil hindi pa fully developed ang immune system ng mga bata, at sila ay may reduced kidney function, mas mabilis silang nabibiktima ng bacteria na ito. Ang kasakitang ito ay maaring magamot ng oral antibiotics.
Pero dahil si Ben ay na-misdiagnose para sa allergy sa antibiotics, ay hindi siya nagamot ng labing-walong oras – at nagkalat sa kanyang katawan ang bacteria.
Maaring mamatay ang mga biktima sa secondary infections o dehydration, dahil nawawalan tayo ng mga fluids at electrolytes kapag nawawalan tayo ng kutis. Buti na lang at makalipas ang tatlong linggong paggamot ay nagpapagaling na si Ben. Siya ay magkakaroon ng mga scar sa kanyang katawan, at nahihirapan siyang kumilos dahil masyado pang mahigpit ang kanyang kutis – pero nagpapasalamat ang kanyang pamilya ay hindi siya namatay.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH