Binata, 20, biktima ng police shooting sa South Side, Chicago
Kontrobersiyal na pulis, sangkot sa shooting na ikinagagalit at pino-protesta ng marami.
Nangyari ang lahat sa south side ng Chicago.
Ayon sa police report, ang 20-year-old na si Raason Shaw ay nagsasagawa ng isang drug deal sa bakanteng lote, nang nagsidatingan ang mga pulis. Agad na tumakbo si Shaw.
Habang siya ay tumatakbo, tila may kinakapitan siya sa kanyang baywang.
Ang police chase ay natuloy nang five blocks, papunta sa 67th and Rhodes Avenue, nang lumala ang sitwasyon.
Nagtangkang tumalon sa isang harang si Shaw, at may nahulog mula sa kanyang suot na pantalon. Ayon sa pulis, baril daw ito.
Kaya wala raw silang choice kung hindi barilin ang suspect.
Maraming tao ang nagpunta sa eksena ng shooting, kaya sinarado ng pulis ang 6-block area para sa kanilang imbestigasyon.
Ayon sa pinsan ni Shaw, pupuntahan daw siya ng suspect, at kaya lang ito tumakbo ay dahil mayroon siyang warrant dala nang hindi niya pagpapakita sa korte.
May mga nagsasabing inaayos na ni Shaw ang kanyang buhay; mayroon siyang bagong trabaho, at malapit nang maging isang ama.
Ayon sa pulis, ang kanilang independent review board ay iimbestigahan ang insidente -- ito ay standard procedure sa lahat ng police shootings.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH