Oscar winner Philip Seymour Hoffman, namatay sa heroin overdose sa NYC

TomoNews PH 2015-04-14

Views 4

Oscar winner Philip Seymour Hoffman, namatay sa heroin overdose sa NYC


Ang Oscar-winning actor na si Philip Syemour Hoffman ay namatay, sa isang heroin overdose umano, na kasalukuyang iniimbestigahan ng pulis.

May walong sobre na puno ng heroin ang natagpuan sa New York apartment ng napaka-talented na aktor.

Ayon sa costume designer na si Mimi O'Donnell, na naging kahuli-huling taong nakausap ng aktor, sila raw ay nag0usap sa telepono, alas diyes ng gabi, noong Sabado -- at high na high raw si Hoffman.

Pinaniniwalaang sa banyo gumamit ng droga si Hoffman. Doon natagpuan ang kanyang katawan, kung saan nakasaksak pa ang hypodermic needle sa kanyang braso, at nagkalat ang mga bag ng heroin sa sahig.

Tinawagan ni O'Donnell ang personal assistant ni Hoffman na si Isabella Wing-Davey, at ang kaibigan ni Hoffman na si David Katz, nang hindi sinundo ni Hoffman ang kanyang tatlong anak noong Linggo ng umaga.

Pinasok ni Wing-Davey at Katz ang apartment ni Hoffman nang umaga ring iyon, at tinawagan nila ang 911 nang hindi umubra ang CPR sa kanilang kaibigan.

Si Hoffman ay nailagay sa isang itim na body bag, at inalis mula sa apartment, ng medical examiners, 6:45 ng gabi.

Natagpuan ng pulis ang pitumpung sobre ng heroin sa loob ng isang lamesa. Ang mga sobre ay nakamarka ng "Ace of Spades" at "Ace of Hearts" -- ito ang heroin na ikinamatay ng lampas isang daang tao sa east coast.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form