Toddler, malubhang nasaktan sa isang SWAT raid!
Ayon sa isang pamilya sa Georgia, ni-raid ng isang SWAT team ang kanilang bahay, habang sila ay natutulog, at seryosong nasaktan ang kanilang 19-month-old na anak na lalake, matapos sumabog ang isang stun grenade sa mukha ng bata. Ayon kat Alecia Phonesavanh, ang kanyang anak ay nasa isang medically-induced coma, sa burn unit sa Grady Memorial Hospital.
Nasa bahay ng kanilang sister-in-law ang pamilyang Phonesavanh noong Miyerkules.
Ayon sa pulis, bumili ang mga deputies ng drugs mula sa bahay na iyon, at bumalik sila, dala ang isnag no-knock warrant, para arestuhin ang isang lalaking kilalang may armas at droga.
Kinumpirma ng Cornelia Police Chief na si Rck Darby na ang raid ay nangyari, badang alas tres ng madaling araw.
Pagpasok sa bahay, naghagis ang SWAT police ng isang stun grenade, na lumanding sa playpen ng toddler, at sumabog sa unan, kung saan nakahiga ang ulo ng bata.
May naarestong suspect ang police sa raid. Walang insurance ang pamilyang Phonesavanh, at nag-setup sila ng fund para mabayarang ang medical expenses ng kawawang bata.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH