Sa public utility vehicles (PUVs), pinakamarami at pinakakilala ang jeep na itinuturing na hari ng lansangan.
Sa kabila nito, ang kita sa pamamasada gamit ito, hindi raw panghari. Ang jeepney driver na si Nolan Grulla, bumaba raw sa Php 150 - Php 300 mula sa Php 1000 ang kita kada araw nang magkapandemya. Kulang na kulang para sa panggastos ng kanyang pamilya.
Bukod sa pandemya, hamon din sa mga katulad ni Nolan ang usap-usapang modernisasyon ng PUVs at pagtaas ng petrolyo. Ang tanong ngayon, paano ba natutulungan ng gobyerno ang mga tsuper? Sapat ba ang naibibigay nilang tulong.
Panoorin ang report.