Halos dalawang dekada nang hindi nagiging parte ng United Nations Security Council (UNSC) ang Pilipinas. Posible kayang maibalik bilang non-permanent member ang bansa matapos humiling ng tulong ang Pangulong Marcos sa UN General Assembly?
Ayon sa maraming pag-aaral, ikinokonsidera bilang middle power ang Pilipinas. Nangangahulugan itong mayroong sapat na kakayahan ang bansa na magkaroon ng adhikain sa lebel ng United Nations (UN).
Bilang non-permanent member ng UNSC, magkakaroon ng direct access ang bansa sa mga pagpupulong ng tinatawag na Big 5 o China, France, Russian Federation, US at United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland.
Anu-ano pa nga ba ang dapat gawin ng Pilipinas para magkaroon ng puwesto sa non-permanent member ng UNSC? At ano ang mga benepisyo kung sakaling maibalik tayo rito?
Panoorin ang buong detalye sa report ni Richard Heydarian.