Sa pinakahuling insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard (CCG), ilang Philippine Navy soldier ang nasaktan habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay Prof. Jay Batongbacal ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, isa ito sa pinakamatindi at pinaka agresibong insidente sa WPS at malinaw na may "illegal use of force."
Kung hindi raw magbabago ang sitwasyon, posible itong magresulta ng mas matinding conflict. Nanindigan naman ang Philippine Navy na mananatiling nakasunod sa international law ang lahat ng kilos ng bansa sa kabila ng provocation ng China.
Ang implikasyon ng patuloy na panggigipit ng China at ang pwedeng gawin ng Pilipinas tungkol dito, sasagutin ni Prof. Jay Batongbacal ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea sa #TheMangahasInterviews.