Marami ang bumatikos sa DepEd nang ipatupad ang pilot phase ng face-to-face classes sa mga estudyanteng Kinder hanggang Grade 3 at Senior High School, sa gitna ng banta ng COVID-19. May ilang paaralan ding ipinagpaliban ito dahil sa mga gurong nagpositibo sa antigen tests.
Ayon kay Usec. Nepomuceno Malaluan, ang kanilang desisyon ay dumaan sa konsultasyon sa mga medical expert. Paano naman kaya sinisiguro ng DepEd ang kaligtasan ng mga estudyante at guro sa panahon ng pandemya? Sinagot iyan ni Usec. Malaluan sa episode na ito ng The Mangahas Interviews.