Ano ang mga dapat nating malaman tungkol sa Divorce? | The Mangahas Interviews

GMA Integrated News 2024-06-28

Views 919

Nasa kamay na ng Senado ang Absolute Divorce Bill matapos nitong makapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara. Ito ay sa kabila ng pagkwestyon ng ilang mambabatas sa naging resulta ng botohan sa Kamara nang pagtibayin ang panukalang batas noong May 22.

Sa buong mundo, maliban sa Vatican, Pilipinas na lamang ang walang batas patungkol sa divorce. Kung maisasabatas ang Absolute Divorce Bill, isa ito sa maaaring maging option ng mga mag-asawa na nais ipawalang bisa ang kanilang kasal. Sa Family Code ng bansa, canonical dissolution, annulment at legal separation lamang ang mga legal na paraan na pwedeng maghiwalay ang mag-asawa.

Ang mga dapat malaman tungkol sa divorce at ang magiging epekto nito sa mga pamilyang Pilipino, ipapaliwanag ng Filipino Divorce Lawyer mula Canada na si Atty. Fatima Angeles dito sa #TheMangahasInterviews.

Share This Video


Download

  
Report form