Nagbabala ang Department of Health sa posibleng community transmission ng mpox sa Metro Manila. Sa ngayon, lima na ang naitalang bagong kaso sa bansa.
Bukod dito, nakapagtala rin ang DOH ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis at dengue lalo na ngayong maulan ang panahon.
Nagpatupad na ng increased surveillance ang DOH para bantayan ang pagkalat ng mpox, pinaiigting na rin ng kagawaran ang kampanya kontra-dengue at leptospirosis.
Ang mga kasalukuyang health emergency sa bansa at iba pang isyung may kinalaman sa kalusugan, sasagutin ni DOH Secretary Ted Herbosa sa #TheMangahasInterviews.